
Si Ex.
‘Di ito Big Deal pero share ko lang.
Kanina papasok ako sa School, Sumakay ako ng train(LRT2). Syempre ako naman naka soundtrip para mukhang Cool LOL. Pagdating ng Legarda bumaba na ako tapos napansin ko lang siya na lumingon ng bahadya(konti) sa akin bigla ko siya naalala. Eh ako naman feeling wa epek, nakita ko lang siya and So What?. Tapos maya-maya napansin ko lang na pagbaba ng Station katabi ko na siya pababa ng stairs tapos parang tumitingin tingin siya sa akin para bang kinikilala niya kung ito talaga yung dati niyang GF. Nailang pa ako kasi pagdating sa baba Nag Cross Section kami. Medyo nagkatinginan tas nag-ngitian tapos voila lumayas na. Ang sad part nito is yung music sa playlist ko is Someone like you ni Adele, Bigla ko tuloy naalala memories ko sa kanya.
Ex ko siya noong 1st year, Siya ang una kong Seatmate, Crush, at Guy Best Friend noon. Ngayon doon siya nagaaral sa malapit sa FEU at UE. Nagbago na siya, May Ear Pierce na siya saka balita ko Model daw siya ng Boardwalk ngayon.
Medyo kinilig ata ako kanina:”» YUN LANG..
(Source: idreamtako)